Jelly Beans Love Story

             Hindi ako mahilig sa jelly beans. Pero nung dumating yung jelly beans galing sa sister ng roommate ko, naintriga ako. Isang malaking garapon ng jelly beans na siguro ay mga 1000 ang laman at may 49 flavors. Hinanap ko agad yung chocolate pudding na flavor na nakalagay sa listahan. Lahat ng kulay brown, kinuha ko. Pero hindi chocolate ang lasa ng mga jelly beans na kinain ko.
          May coffee, may plum, may licorice, may rootbeer... ngunit walang chocolate. Sa kakahanap ng chocolate flavor, hindi ko napapansin ang ibang 48 flavors na nasa garapon. At na-realize ko, ikaw ang the elusive chocolate pudding flavor na jelly bean sa buhay ko. Na-obsessed ako sa lahat ng kulay brown na jelly beans. Iyong roommate ko, na-explore na yung ibang flavor.
            May bubble gum flavor, may piña colada, may peanut butter, may sizzling cinnamon, may caramel popcorn. Lahat yun, nasarapan sya. Ako, hindi ko pinapansin ang ibang jelly beans. Naka-tuon ang pansin ko sa brown jelly beans.  
            Parang ikaw. Sa kakahabol sa iyo, hindi ko na napansin ang ibang lalake sa paligid ko. Masyado akong naka-focus sa yo, kaya napapalampas ko na ang mga matitinong lalake na nagbibigay interes sa akin. Parang yung ibang flavors ng jelly beans na hindi ko natikman dahil ang gusto ko talaga eh yung chocolate pudding.
          Iyong roommate ko, natikman na nya ang chocolate pudding na jelly bean. Ang swerte naman niya, natikman nya agad ang flavor na gusto ko. Hindi niya hinahangad, yun pa ang napunta sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw masarap ung chocolate pudding na jelly bean. Ordinaryo lang ang lasa. Hindi tulad nung mga favorite nyang flavor. Pinatikim nya sa akin yung toasted marshmallow saka ung strawberry cheesecake, masarap naman. Pero, yung chocolate pudding talaga gusto ko eh. Ganon yata talaga yun.
           Mas gusto natin yung hindi natin nakukuha. Nung finally natikman ko ang chocolate pudding na jelly bean, napasigaw ako. At last, nakuha ko rin ang gusto ko. Pero, nung ninamnam ko ang lasa, hindi nga sya masarap.
            Hindi sya ganun ka fabulous. Parang ordinaryong chocolate lang na pinalambot. Pero ang saya nung feeling na finally, nakuha ko rin yun. Matapos akong mapurga sa licorice at root beer flavors.
          Hindi ko pa natitikman ang lahat ng 49 flavors na jelly beans sa garapon. Nangangalahati na ang laman pero chocolate pa rin ang hinahanap ko kapag binubuksan ko ang takip. Fixated pa rin ako sa mga kulay brown na beans, kahit na mas appealing ang pink, violet at blue. Madalas, ibang flavor na nakukuha ko pero kapag sinuswerte, nahahagilap ko rin ang chocolate pudding.
            Oo, hindi worth the aggravation ang paghahanap sa chocolate pudding. Hindi worth ang paghahabol ko sa yo. Ordinaryo ka lang naman. Marami pang hihigit sa yo. May mga blueberry o cotton candy o strawberry daiquiri flavors na lalake sa paligid ko pero hindi ko pinapansin.
          Pero bakit kapag kakain ako ng jelly beans, chocolate pudding pa rin ang hinahanap ko? Bakit kahit na marami naman lalake dyan, ikaw pa rin ang gusto ko? Hay, siguro dahil sa nakasanayan ko na.
one of my sample stories that truly catches the heart...
 As i always say,
  You Never Lose By Loving......
You Always Lose By Holding Back....

No comments:

Post a Comment