Hindi ako mahilig sa jelly beans. Pero nung dumating
yung jelly beans galing sa sister ng roommate ko, naintriga
ako. Isang malaking garapon ng jelly beans na siguro ay
mga 1000 ang laman at may 49 flavors. Hinanap ko agad
yung chocolate pudding na flavor na nakalagay sa listahan.
Lahat ng kulay brown, kinuha ko. Pero hindi chocolate
ang lasa ng mga jelly beans na kinain ko.
May coffee, may plum, may licorice, may rootbeer... ngunit
walang chocolate. Sa kakahanap ng chocolate flavor, hindi
ko napapansin ang ibang 48 flavors na nasa garapon. At
na-realize ko, ikaw ang the elusive chocolate pudding
flavor na jelly bean sa buhay ko. Na-obsessed ako sa lahat
ng kulay brown na jelly beans. Iyong roommate ko, na-explore
na yung ibang flavor.
May bubble gum flavor, may piƱa colada, may peanut
butter, may sizzling cinnamon, may caramel popcorn. Lahat
yun, nasarapan sya. Ako, hindi ko pinapansin ang ibang
jelly beans. Naka-tuon ang pansin ko sa brown jelly beans.
Parang ikaw. Sa kakahabol sa iyo, hindi ko na napansin
ang ibang lalake sa paligid ko. Masyado akong naka-focus
sa yo, kaya napapalampas ko na ang mga matitinong lalake
na nagbibigay interes sa akin. Parang yung ibang flavors
ng jelly beans na hindi ko natikman dahil ang gusto ko
talaga eh yung chocolate pudding.
Iyong roommate ko, natikman na nya ang chocolate pudding
na jelly bean. Ang swerte naman niya, natikman nya agad
ang flavor na gusto ko. Hindi niya hinahangad, yun pa
ang napunta sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw masarap
ung chocolate pudding na jelly bean. Ordinaryo lang ang
lasa. Hindi tulad nung mga favorite nyang flavor. Pinatikim
nya sa akin yung toasted marshmallow saka ung strawberry
cheesecake, masarap naman. Pero, yung chocolate pudding
talaga gusto ko eh. Ganon yata talaga yun.
Mas gusto natin yung hindi natin nakukuha. Nung finally
natikman ko ang chocolate pudding na jelly bean, napasigaw
ako. At last, nakuha ko rin ang gusto ko. Pero, nung ninamnam
ko ang lasa, hindi nga sya masarap.
Hindi sya ganun ka fabulous. Parang ordinaryong chocolate
lang na pinalambot. Pero ang saya nung feeling na finally,
nakuha ko rin yun. Matapos akong mapurga sa licorice at
root beer flavors.
Hindi ko pa natitikman ang lahat ng 49 flavors na jelly
beans sa garapon. Nangangalahati na ang laman pero chocolate
pa rin ang hinahanap ko kapag binubuksan ko ang takip.
Fixated pa rin ako sa mga kulay brown na beans, kahit
na mas appealing ang pink, violet at blue. Madalas, ibang
flavor na nakukuha ko pero kapag sinuswerte, nahahagilap
ko rin ang chocolate pudding.
Oo, hindi worth the aggravation ang paghahanap sa chocolate
pudding. Hindi worth ang paghahabol ko sa yo. Ordinaryo
ka lang naman. Marami pang hihigit sa yo. May mga blueberry
o cotton candy o strawberry daiquiri flavors na lalake
sa paligid ko pero hindi ko pinapansin.
Pero bakit kapag kakain ako ng jelly beans, chocolate
pudding pa rin ang hinahanap ko? Bakit kahit na marami
naman lalake dyan, ikaw pa rin ang gusto ko? Hay, siguro
dahil sa nakasanayan ko na.
one of my sample stories that truly catches the heart...
As i always say,
You Never Lose By Loving......
You Always Lose By Holding Back....
As i always say,
You Never Lose By Loving......
You Always Lose By Holding Back....